-- Advertisements --

Ibinunyag ng naarestong suspek sa pagpatay sa negosyanteng Chinese national na si Anson Que o Anson Tan at driver nito na ang nasa likod ng lahat ng krimen ay ang anak mismo ng negosyante.

Dahil dito ay inirekomenda ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP – AKG) sa Department of Justice na imbestigahan si Ronxian Gou o Alvin Que.

Base sa inisyal na imbestigasyon na nagsilbi ang 42-ayos na si Alvin bilang negotiator para sa pamilya habang hawak ng kidnappers si Que.

Siya rin ang nagbayad ng inisyal na P10-M na ransom sa isang cryptocurrency account noong Marso 31 at dagdag na P3-M sa parehas na account noong Abril 2.

Magugunitang si Tan at driver nito ay natagpuang patay noong Abril 9.