-- Advertisements --

Mas lumapit pa ang tsansa ng TNT para makapasok sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup matapos tambakan nila ang NorthPort 112-87 sa laro na ginanap sa Angeles City, Pampanga.

Dahil kasi sa panalo ay mayroon ng anim na panalo at isang talo habang ang NorthPort ay mayroong isang panalo at limang talo.

Tila nakabawi ang Tropang Giga sa pagkatalo nila noong nakaraang linggo sa NLEX 109-98.

Binuhat ni Bobby Parks ang TNT na nagtala ng 22 points at 10 rebounds.

Nag-ambag naman ng 15 points si RR Pogoy habang 14 points at 10 rebounds si Troy Rosario.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena, na pinaghandaan nila ang nasabing laban matapos ang masakit na pagkatalo nila sa NLEX.