Naging tropical depression na lang o mahinang bagyo ang tropical cyclone Tisoy, kasabay ng paglabas nito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 705 km kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay na lamang itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.