-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang pinakamaruming tao sa buong mundo na si Amou Haji sa edad 94.
Ang Iranian na si Haji ay ilang dekadang hindi naligo ay pumanaw sa bahay nito sa Dejgah province.
Ipinaliwanag nito kung bakit hindi siya naliligo dahil nangangamba siyang dapuan siya ng sakit.
Pero noong nakaraang mga buwan ay pinilit siya ng kaniyang kapitbahay na maligo sa unang pagkakataon.
Hindi naman na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ni Haji.