-- Advertisements --
Pinawi ng Pagasa ang pangamba ng ilang eksperto na baka hindi seryosohin ang kanilang mga abiso kung gagamitan ito ng “Tik-Tok” o iba pang sing and dance infomercial.
Ayon kay Bernard Punzalan ng Pagasa public information center, mananatili pa rin ang paglalabas nila ng severe weather bulletin at flood alerts sa orihinal nilang website.
Ang Pagasa Tik-Tok naman ay gagamitin lamang para sa awareness campaign at iba pang karaniwang programa ng ahensya.
Ang naturang mobile application ay inilunsad noong nakaraang linggo, kasabay ng flood awareness activities ngayong nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.