-- Advertisements --
Mas bumaba ng 36 percent ang presyo ng NBA Finals ngayong taon sa pagitan ng Miami Heat at Denver Nuggets kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa SeatGeek data na ang pinakamurang ticket sa Game 1 na gaganapin sa Ball Arena ang homecourt ng Nuggets ay nagkakahalaga ng $700 o katumbas ng mahigit P35,000.
Mas mababa ito kumpara noong Game 1 Finals noong nakaraang taon sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics na ang pinakamababang ticket ay nagkakahalaga ng $1,999 o katumbas ng halos P100,000.
Ang nasabing halaga ng tickets ay maaring tumaas sa mga susunod na mga games lalo na at marami ang nais ng Nuggets na makagawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagkamit nila ng kauna-unahang kampeonato.
















