sea games countdown
30th SEA GAMES Logo

Sisimulan na ng organizers ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) ang pagbebenta ng mga ticket para sa opening ceremony.

Simula ngayong araw, Oktubre 3 ay magsisimula nang magbenta ng ticket para sa opening ceremony na gagawin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa November 30.

Maglalaro ang presyo nito mula P1,000 hanggang P1,500.

Mabibili aniya ang mga tickets sa SM Ticketnets sa buong bansa.

Maging ang mga tickets mula sa iba’t ibang sporting events sa bansa ay mabibili na rin gaya ng tickets sa athletics and aquatics event na gaganapin sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac na mabibili sa halagang P50 hanggang P300.

Ang pinakamurang tickets naman sa Metro Manila ay P50 habang P250 ang pinakamahal.

Gagawin sa NCR ang larong badminton, basketball, billiards, boxing, karatedo, fencing, football, gymnastics at wushu.