-- Advertisements --

Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts sa Singapore na ang paggamit ng mga throat spray o paggamit ng mga anti-malaria drug na hydroxychloroquine ay nagpapaababa ng panganib ng COVID-19 infection.

Ang nasabing pag-aaral ay inilabas matapos na mahigit 3,000 healthy young migrant workers ang na-quarantine sa Tuas South Dormitory noong nakaraang Mayo.

Dagdag pa sa pag-aaral na ang paggamit ng povidone-iodine throat spray tatlong beses sa isang araw o ang paggamit ng oral drug hydroxychloroquine ng isang beses kada araw ay mababawasan na makapitan ng nasabing virus.

Isinagawa ang pag-aaral ng National University Health System (NUHS) na pinangungunahan ni Associate Professor Raymond Seet ang senior consultant sa division ng neurology sa department of medicine ng National University Hospital (NUH).

Nagbabala rin ang mga health experts na asahan ang mga side effects sa paggamit ng mga gamot gaya ng sakit ng ulo, diarrhea , pagkahilo, sakit sa tiyan at pagsusuka.