-- Advertisements --

Nananatiling matatag ang thrift banking industry sa kabila ng mga hamon ngayong umiiral pa rin ang pandemya.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nanatiling matibay ang capitalization at liquidity, kasabay ng patuloy na pagpapaunlad ng asset quality, pagtataguyod ng financing sa households at micro, small at medium enterprises (MSMEs).

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na sa gitna ng mga sagabal sa industriya, nakitaan pa ng paglago ang loan quality, kasabay ng pagbaba ng non-performing loans (NPLs) mula noong Setyembre 2021.

Nitong Pebrero, ang ratio ng non-performing loans at total loans ay naitala sa 8.9 percent.

Habang ang industry assets naman ay pumalo sa P872.8 billion, para sa nasabing period.

Sa kabuuan, kumita pa rin ang thrift banks noong 2021, kung saan umakyat pa ito sa 30 percent year-on-year hanggang P12.8 billion sa pagtatapos ng nakaraang taon.