-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni dating Ateneo de Manila University player Thirdy Ravena matapos na mapili na makapaglaro sa professional basketball sa Japan.
Kinumpirma mismo ng San-en Neophoenix ang pagkuha nila kay Ravena.
Pumirma na kasi si Ravena sa nasabing koponan bilang bahagi ng ‘Asian player quotas’ ng Japanese Professional Basketball League.
Dahil dito ay magiging siya ang unang Filipino na maglalaro sa Basketball league ng Japan sa 2020-2021 season.
Magugunitang tatlong magkakasunod na taon na nakuha ni Ravena ang UAAP Finals MVP awards noong ito ay nasa Blue Eagles.