-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating original member ng US pop group noong 1960 na The Supremes na si Barbara Martin sa edad 76.
Kinumpirma ito ng banda sa kanilang social media page.
Ang singer na mula sa Detroit ay kabilang sa grupo noong sila ay pumirma sa Motown Records noong 1961 at kumanta sa halos lahat ng kanta sa unang album na “Meet The Supremes”.
Pinalitan ni Martin si Betty McGlown noong 1960 ng ang quartet ay kilala pa sa ‘The Primettes’.
Umalis siya sa grupo noong 1962 dahil ito ay nabuntis kung saan ipinagpatuloy ng mga kasamahan nito na sina Diana Ross, Florence Ballard at Mary Wilson.