-- Advertisements --
Pumanaw na ang founding member ng “The Supremes” na si Mary Wilson sa edad 76.
Kinumpirma ito mismo ng kaniyang kaibigan at publicist na si Jay Schwartz.
Hindi naman binanggit nito ang sanhi ng kamatayan niya habang ito ay nasa kanilang bahay sa Henderson, Nevada.
Nagsimula ang kaniyang career sa Detroit noong 1959 na kabilang sa grupong “The Primettes”.
Matapos nito ay itinaguyod niya ang grupong “Supremes” na siyang pinakamatagumpay na grupo ng Motown noong 1960.
Pinasikat ng grupo ang mga kantang “Where Did Our Love Go”, “Baby Love” at “Stop! In the Name of Love”.