Pumanaw na ang isa sa miyembro ng Grammy-winning R&B group na The Emotions na si Pamela Hutchinson sa edad 61.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng singer at sinabi na lamang na mayroon na itong matagal na iniindang sakit.
Siya ang pinakabatang miyembro ng magkakapatid na sina Shiela, Wanda at Jeanette Hutchinson.
Pinasikat ng grupo ang kantang “Best of My Love”.
Nagsimula ang grupo noong 1960 sa Chicago, kung saan pawang mga gospel singer ang mga magkakapatid noong mga bata pa ang mga ito.
Dahil sa kasikatan nila ay kinuha sila ng R&B label na Stax kung saan nakasama nila ang miyembro ng bandang Earth, Wind & Fire na si Maurice White na siyang gumawa at nakasamang magsulat ng kantang ‘Best of My Love”.
Bilang pabor ay pinahiram ng grupo ang kanilang harmonies sa hit song ng Earth, Wind and Fire na “Boogie Wonderland” noong 1979.