-- Advertisements --

Inimbitahan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Panfilo “Ping” Lacson maging ang publiko na bumisita sa lungsod ng Taguig.

Ito ay para makita ang mga infrastructure projects at mapatunayan na walang mga naganap na anumang anomalya.

Sinabi ni Cayetano an ang mga sinasabing mga anomalya ay kabilang sa mga recycled na mga larawan ng billing at collection.

Una ng inakusahan ni Lacson na mayroong mga anomalya ang ilang mga infra projects sa lungsod ng Taguig.

Kinokontrol umano ni Cayetano sa pamamagitan ng “virtual” ang operasyonng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod.

Sa kaniyang social media account tiniyak ni Cayetano na ang mga alegasyon na ibinabato sa kanila ay kanilang masasagot dahil natitiyak niya na maayos ang nasabing lungsod.

Giit pa ni Sen. Cayetano na kapag nagtungo si Lacson at publiko ay mapapatunayan ang umano’y napapaloob sa nasabing mga dokumento at mga larawan.

Dagdag pa ni Cayetano na noon ay gusto-gusto niyang pulitiko si Lacson subalit ngayon ay hindi pero hindi naman ito nawawalan ng pag-asa na baka magbago pa ang senador.

Base sa limang case studies ay sinabi ni Lacson na nakadiskubre ang kaniyang mga staff ng umanoy anomalya na kinabibilangan ng double appropriations para sa parehas na proyekto at overlapping spans ng slope protection projects na nagkakahalaga ng ilang milyong piso.