Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang alegasyon na ang kanilang kalihim na si Jose “Brix” Pujalte Jr ay sangkot sa pagsusugal.
Ayon sa DOH na walang katotohanan ang kumalat na sulat na naglalagi sa casino para magsugal ang Kalihim.
Una ng nilinaw ni Pujalte na ang pananatili nito sa isang hotel noong Hulyo 20 ay “official business” umano.
Naimbitahan umano ito sa isang pagpupulong ng ilang opisyal mula Masbate at Sorsogon kung saan ang tinalakay doon ay ang pagbibigay ng tulong sa mga pampublikong pagamutan sa lugar.
Tiniyak ng DOH nanatili silang nakatutok sa pagbibigay ng de-kalidad ng healthcare services sa publiko.
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Pujalte bilang kalihim ng DOH noong Hulyo 13 matapos ang tuluyang pagbibitiw sa puwesto ni Dr. Ted Herbosa.
















