-- Advertisements --

Tumitindi pa ang tension sa pagitan ng Kosovo at Serbia.

Naglagay ng mga barikada ang Kosovo sa border nila ng Serbia.

Nagsimula ang tensyon noong Disyembre 10 ng maglagay ng barikada ang ethnic Serbs bilang protesta sa maling pag-aresto ng mga dating kapulisan na sangkot sa pag-atake sa mga ethnic Albanina police officers.

Matapos ang pagbarikada ng mga daanan ay inatake ang mga kapulisan ng Kosovo at mga international peacekeepers.

Inilagay na rin sa mataas na alerto ang mga sundalo ng Serbia.

Noong 2008 ay nagdeklara ang Kosovo ng pagiging malaya mula sa Serbia pero hindi ito kinikilala ng Belgrade at hinikayat pa ang nasa 120,000 na ethnic Serbs na huwag sundin ang mga otoridad doon.