-- Advertisements --
Inanunsiyo ni dating world number one tennis star Naomi Osaka na ito ay buntis kaya hindi na ito maglalaro sa Australian Open sa susunod na linggo.
Sinabi nito na magbabalik lamang siya sa paglalaro kapag naisilang na niya ang anak.
Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre.
Mula sa pagiging ranked number 1 noong 2019 ay nasa ranked number 47 na ito ngayon.
Nagwagi ito ng apat na Grand Slam singles titles na kinabibilangan ng Australian Open noong 2019 at 2021 at ang US Open noong 2018 at 2020.
Hinirang din siya bilang world’s top-earning female athlete ng 2022 ng Forbes kung saan kumikita ito ng $511 milyon.