-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na naapektuhan ang delivery ng mga bagong truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa nagaganap na kurapsyon.

Kasunod ito sa pagkakasangkot ng ilang opisyal ng BFP sa kurapsyon.

Inamin ni Remulla na dahil sa kaniyang pagsasampa ng reklamo sa ilang BFP officials kaya naantala ang pagbili ng mga fire trucks.

Tiniyak nito na makakabili rin ang BFP ng mga bagong fire trucks sa mga susunod na buwan.

Una rito ay sinabi ni Remulla na mayroong 902 na mga fire inspectors sa National Capital Region ang kanilang sinibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa kurapsyon kahit na mayroon na silang suot na body cameras.