-- Advertisements --

Tuluyan nang iniwan ng tennis legend na si Daniil Medvedev ang kaniyang longtime coach na si Gilles Cervara.

Nangyari ang hiwalayan sa pagitan ng coach at player, ilang lingo matapos matanggal si Medvedev sa unang elimination round sa US Open.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang Russian tennis star sa guidance ng kaniyang longtime coach upang maabot ang pinakamataas na rango sa tennis tulad ng pagiging No. 1 sa ATP rankings.

Naging solido aniya ang naturang partnership sa loob ng walo hanggang sampung taon na pagsasama ng dalawa.

Kung babalikan ang karera ng Russian star, nakapagbulsa na siya ng hanggang 20 title ngunit tuluyan din siyang bumagsak sa ika-13 rank.

Sa nakalipas na tatlong malalaking tennis tournament, hindi niya nagawang umusad matapos matalo sa unang round pa lamang ng elimination. Kasama rito ang kaniyang pagkatanggal sa US Open nitong nakalipas na lnngo.

Naging emosyonal din si Coach Cervara sa kaniyang mensahe sa Russian star.

Aniya, minahal niya ang pagiging coach at pagsuporta sa tennis legend, kahit sa ilang pagkakataon na naging mahirap ang kaniyang trabaho.