-- Advertisements --
Naglunsad ng libreng tawag, charging at internet service ang mga telecommunications company para sa mga apektado ng pag-alburuto ng Taal volcano sa Batangas.
Pangunahing mabibigyan ng naturang serbisyo ang mga nagsilikas na residente sa paligid ng bulkan.
Layunin nitong maiparating ng mga evacuees sa kanilang mga nag-aalalang kaanak ang kanilang kalagayan, sa harap na rin ng patuloy na abnormalidad ng bulkan.
Nakapuwesto ang libreng tawag at wifi sa Malabanan Elementary School sa Brgy. Malabanan, Balete, Batangas.
Maliban sa mga libreng serbisyo, nagkaloob din ang mga kompaniya ng mga kumot at iba pang gamit para sa mga lumikas na mamamayan.