-- Advertisements --

Naghain sa US intellectual property office ang singer na si Taylor Swift.

Ito ay para ipa-trademark ang kaniyang boses dahil sa pagdami ng mga gumagawa ng Artificial Intelligence (AI).

Nagsumite ito ng dalawang sound recordings sa United States Patent and Trademark Office (USPTO).

Bawat recording ay nagsisimula sa “Hey, it’s Taylor” at inanunsiyo nito ang paglabas ng kaniyang bagong album na “The Life of a Showgirl” na inilabas noong Oktubre.

Una ng naghain din ng trademark ang actor na si Matthew McConaughey bilang proteksyon laban sa hindi otorisadong paggamit ng AI models.