Lagi na lang nagdadala ng military grade bandages si Taylor Swift para na rin sa kaniyang sariling kaligtasan.

Sinabi ng pop star na maraming mga stalkers ang nagbalak na pumasok sa kaniyang bahay.

Noong nakaraang taon ay nabigyan ng restraining order ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa kaniyang bahay na armado ng kutsilyo habang noong Pebrero ay inatake rin ito ng lalaki gamit ang isang pala.

Ang nasabing paraan aniya para na rin sa kaligtasan ng mga fans niya na nagtutungo na sa mga concerts niya.