-- Advertisements --

Kinansela ng Cuba ang kanilang taunang International Workers’ Day parade.

Ito ay dahil sa nakakaranas ang kanilang bansa ng kakulangan ng suplay ng langis.

Sa nasabing pagdiriwang kasi na dinadaluhan ng ilang libong katao ang nakasuot ng pulang damit may dalang bandila at banner bilang nagbibigay suporta sa socialism at sa Cuban Revolution.

Makikita naman sa Revolution Square sa Havana ang giant statue ng kanilang national hero na si Jose Marti.

Sa mga nagdaang linggo kasi ay nakakaranas ang bansa ng kakulangan ng suplay ng langis dahil sa kanilang mahinang ekonomiya.