Nagtala ng bagong record ang taunang hot dog eating contest sa Brooklyn, New York.

Bagamat ginanap ito sa indoor at kontrolado ang mga tao dahil sa coronavirus pandemic ay naging masaya pa rin ito.

Nakuha ni Joey “Jaws” Chesnut ng California ang men’s division na sa loob ng 10 minuto ay nakakain ito ng 75 hotdog.

Ito na rin ang kaniyang pang-13 beses na mag-kampeon.

Tinanghal naman sa kampeon sa pambabae si Miki Sudo ng Connecticut na nakakain ito ng 48.5 na hotdog.

Noong mga nagdaan kasi ay ginaganap ito sa labas partikular na sa dagat na pinapanood ng ilang libong katao.