-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na binabantayan ng pulisya sa Lungsod ng Cagayan de Oro ang bagong pamamaraan ng mga sugarol sa larangan ng pagsusugal.

Ito’y matapos ginawa nang online ang pagsasabong o cockfighting.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Major Ivan Viñas, nahihirapan silang hulihin ang mga sugarol na gumagamit na ng social media.

Aniya, ni-record live ng dalawang tao na kinabibilangan ng “koyme or sentensyador” ang pagsasabong ng dalawang manok gamit ang Smartphones at makikita ito ng mga sugarol sa pamamagitan ng Facebook, Google Meet at iba pang online apps.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya dahil bago ito sa kanila at kanilang pinag-aaralan kung paano madakip ang mga gumagawa nito.

Napag-alaman na ginagawa ang live cockfighting sa mga warehouse, building rooftops, at sa mga lugar na mahihirapan ang mga pulis na matiktikan ito.