-- Advertisements --

Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target collections nitong buwan ng Oktubre.

Ayon sa BOC na mayroong P75.5 billion ang kabuuang collections nito.

Ito ay 19 percent na mas mataas o target nilang P63.7 billion o mas mataas ng 35 percent sa P56-B na nakulekta noong Oktubre 2021.

Dahil dito ay aabot na sa P714.3 bilyon ang kabuuang koleksyon ng ahensiya mula Enero hanggang Oktubre na mas mataas sa target na P602.8-B.

Nakamit aniya ng BOC ang nasabing kuleksyon dahil sa pinaigting na kampanya laban sa smuggling, revenue leakages at mga kurapsyon.