-- Advertisements --
Ipinakita ng Taliban sa publiko ang pagbitay nila sa lalaking inakusahan na pumatay sa western Afghanistan.
Ito ang unang pagkakataon na opisyal nilang pagkumpirma ng public execution mula ng hawakan ng Islamist group ang kapangyarihan noong nakaraang taon pa.
Ang lalaki na mula sa Farah province ay inakusahan na nanaksak ng kapwa lalaki hanggang mapatay noong 2017.
Sinabi ni Taliban spokesperson Zabihullah Mujahid na ang pagpatay ay isinagawa ng ama ng biktima kung saan binaril nito ang lalaki ng tatlong beses.
Ang kaso ay inimbestigahan ng tatlong korte na otorisado ng supreme spiritual leader ng Taliban.
Pinanood ang nasabing pagbitay ng ilang mga matataas na opisyal ng Taliban.