-- Advertisements --

tzu chi bicol typhoon

LEGAZPI CITY – Pinagkaguluhan ng mga residente sa Tabaco, Albay, ang isang Taiwanese based international foundation matapos mamigay ng libu-libong halaga ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco Mayor Krisel Lagman-Luistro, kinumpirma nito na nakipag-ugnayan sa kanila ang Tzu Chi foundation at nanghingi ng listahan ng mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo.

Kasunod nito ang pagpapaalam na mamimigay ng financial assistance subalit hindi nito inakala na malaking halaga pala ang ipamumodmod ng foundation.

Umaabot kasi sa P18,000 hanggang P28,000 ang inilaan sa bawat pamilya.

Taiwanese foundation in Albay

Kaugnay nito, bumuhos ang pila ng mga benipisaryong residente sa mga bangko sa lungsod para mag-claim ng naturang ayuda.

Sa pagtaya ng alkalde, aabot sa P250 milyon ang naipamahagi ng foundation sa tinatayang 10,000 pamilyang napili nito.