-- Advertisements --

Papayagan na ng Taiwan ang mga kababaihan na sumailalim sa reserve force training.

Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, na ito ang kauna-unahang hakbang dahil sa patuloy ang ginagawang military pressure ng China.

Dahil dito ay papayagan na nila ang nasa 220 na mga discharge na babaeng sundalo na makapag-enroll sa training simula sa second quarter ng taon.

Una ng sinabi ng Defense Ministry ng Taiwan na lalake lamang ang kanilang isasanay dahil sa wala silang sapat na kapasidad na mag-train ng parehas na kasarian.

Kinontra naman ito ng mga mambabatas ng Taiwan at sinabing isang uri umano ito ng gender discrimination.

Noong Disyembre rin ay inanunsiyo ng Taiwan na palawigin ang mandatory military period para sa mga eligible na kalalakihan na mula sa dating apat na buwan ay gagawin na itong isang taon.

Sa kabuuan ay mayroong 170,000 na sundalo ang Taiwan na karamihan ay mga volunteers at taunan ay nagsasanay sia ng 120,000 reservist.