-- Advertisements --

Iniulat ng Taiwan ang presensya ng Chinese military sa mga katubigan nito, kasabay ng nalalapit na halalan.

Gaganapin kasi ang presidential at parliamentary election sa naturang estado sa Enero-13 habang ngayong lingo naman ang registration ng mga kakandidato.

Batay sa naging ulat ng Taiwan government, natukoy ang presensya ng Chinese military sa Taiwan Strait kung saan 11 aircraft ang nakitang tumawid sa sensitibong Median line.

Simula kahapon, ayon sa Taiwan Defense Ministry, nakapag-monitor na ito ng mga J-10 at J-16 fighters, kasama na ang H-6 bombers at iba pang early warning aircraft.

Ang mga nakitang aircraft na tumawid sa median line ay nagtungo umano sa Timog-Kanlurang bahagi ng Taiwan at nagsasagawa ng ‘joint combat readiness patrols’.

Ang median line ang nagsisilbing unofficial barrier sa pagitan ng China at Taiwan.

Una na ring nagpadala ang Taiwan ng sariling pwersa sa Taiwan Strait upang mamonitor ang kalagayan sa naturang bahagi ng katubigan.