-- Advertisements --
Nananatiling nakaalerto ang Taiwan sa patuloy na ginagawang simulation precision strike ng China.
Sa pangalawang araw ng drills ay maryoong 70 Chinese na eroplano ang lumipad sa kapaligiran ng isla.
Bukod pa dito ang nakitang 11 barkong pandigma ng China ang nakita.
Nitong Sabado ay ibinunyag ng Taiwan na mayroong 45 na eroplanong pandigma ang tumawid sa Taiwan Strait ang linya na naghihiwalay sa pagitan ng China at Taiwan.
Ang nasabing hakbang na ito ng China ay tila pagganti sa ginawang pagbisita ng Taiwan president sa US.