Inanunsiyo ng Taiwan ang plano nito na taasan ang kanilang defense budget.
Ito ay may kaugnayan sa isinagawang malalaking military drills ng China noong unang bahagi ng buwan na nagdulot ng tensyon sa pagitan ng dalawa hanggang sa pinakamataas sa mga dekada.
Ang Taipei ay nagmungkahi ng defense budget na $13.7 bilyon para sa susunod na taon.
Tumaas ito ng 13 porsiyento habang hinihintay ang pag-apruba ng parliamentary.
Ang isang karagdagang espesyal na badyet ay gagawin din partikular upang makakuha ng mga bagong fighter jet at iba pang mga proyekto upang palakasin ang naval at air capabilities.
Magugunitang, ang Taiwan ay nabubuhay sa ilalim ng patuloy na banta ng pagsalakay ng China, na nagsasabing ang demokratikong isla bilang bahagi ng teritoryo nito ay sakupin isang araw gamit ang puwersa kung kinakailangan.