-- Advertisements --
Nagkumahog ang Taiwan na itaboy ang nasa 27 jetfighters ng Peoples’ Liberation Army ng China.
Nangyari ang pagpapalipad ng China ng kanilang fighter jet sa airspace ng Taiwan ilang oras matapos ang pag-alis ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Ayon sa Taiwan na matapos na makita ang mga fighter jets ng China ay mabilis nila itong itinaboy gamit ang sarili nilang fighter jets.
Itinuturing ng Taiwan na bahagi pa rin ito ng protesta ng China dahil sa pagbisita ni Pelosi.
Magugunitang makailang beses na ring lumipad ang mga fighter jets ng China sa himpapawid na nasasakupan ng Taiwan noong nakaraang mga buwan.