-- Advertisements --
Hindi iniaasa ng Taiwan ang pagtatanggol ng ibang bansa.
Sinabi ni Taiwan President Tsai Ing-wen, na bagamat tiniyak sa kanila ng US ang tulong ng pagtatanggol sa pananakop ng China ay hindi sila puwedeng umasa dito.
Handa umano ang Taiwan na makipagsabayan sa China sakaling sakupin sila.
Magugunitang tiniyak ni US President Joe Biden na handa nilang tulungan ang Taiwan.
Iginigiit kasi ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.