-- Advertisements --

Bumubuhos ang taus-pusong pasasalamat mula sa mga siklista dahil sa bike lane na inilatag sa Laguna Lake Highway na proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, at naisakatuparan ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Sec. Mark Villar dahil makakapag-bisikleta na sila ng ligtas da kalsada.

Ayon sa siklistang si Enrique Tija, isang 43-anyos na residente ng Brgy. Napindan, ang bike lane ay malaking tulong sa kanya at mga kaibigan niyang palaging nagbibisikleta.

“Kada Linggo, nagbibisikleta kami rito at nageensayo… Ang ibang tao rin na pumapasok sa trabaho ay dumadaan dito ng ligtas at di masasagi ng mga sasakyan o motorsiklo,” wika ni Tija.

Dagdag pa niya na isyu talaga ang kaligtasan ng nagbibisikleta sa kalsada, isa sa kanyang anak ay naputulan ng dalawang daliri sa aksidente habang nagbibisikleta. Nagulungan ng jeep ang kanyang daliri nang maitukod niya ito upang hindi bumagsak sa semento.

Myla Pasig, ang jeepney driver na si Reymond Banaba, 49, ay nagpupunta din sa Laguna Lake Highway upanf mag-bike: “Maayos dito sa Taguig dahil may proteksyon ang lugar sa mga nagbibisikleta bukod pa sa maging malusog at manatiling aktibo ang aming katawan. Dati, hindi ligtas ang lugar na ito para magbisikleta ngunit nang ma-develop ito, nakahiwalay na ang bike lane sa main road kaya ligtas at protektado kami sa mga himaharurot na sasakyan.”

-- Advertisement --

Inilunsad nitong February 2019, ang 3-meter-wide na kahabaan ng kalsada na may 5.8 kilometro ay kaunaunahang protected bike lane sa Philippine national highway, isang modelo para sa dati at bagong kalsada na malawak para lagyan ng bike lane.

Ang lane ay hiwalay sa highway at merong planting strip, upang masiguro ang permanent structure na nagbibigay proteksyon sa mga biker laban sa mabilis na daloy ng trapiko. Ang lugar ay meron ding maliwanag na streetlights at road signages para dagdag kaligtasan.

“Ito ay napakahalagang hakbang tungo sa maayos na kapaligiran at itong bike lane ay isa sa maayos na inisyatibo,” ayon kay Primo Longos, 62, isa ring biking enthusiast simula pa noong 1980s.

“Malaking tulong ito lalo na sa mga nakatatandang siklistang kagaya ko. Isipin mo na lang na delikdao kaming humalo sa mabibilis na sasakyan sa kalsada.”

Ang Taguig City ay kamakailan nagtayo ng 5.8-kilometer protected bike lane bilang bahagi ng komprehensibong pagsulong sa pagbibisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon ng mga manggagawa at residente.

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Taguig na ang protected bike lane ay mananatiling ligtas at malinis, may bagong pintura bilang bahagi ng World Bike Day celebrations noong June 3. Meron din itong directional signages na ikinabit.

“Lahat po ay welcome na lumahok sa Taguig sa bagong inisyatibo na gumamit ng bike lane sa kanilang pagbibisikleta,” ayon kay Mayor Lino Cayetano.

“Gamitin po natin ito dahil ito ay ligtas bilang bahagi ng in-city biking spot sa syudad. Libre po ito para sa lahat.”

Ang proyekto ay isang bahagi lamang ng multistep approach upang i-promote ang pagbibisikleta sa Taguig. Sa June 3, meron na pong bike lanes sa kahabaan ng
Cayetano Boulevard at Bayani Road para sa tatlong araw na demo upang subukan ang dami ng magbibisikleta na maaaring gumamit ng daan na nakatalaga sa kanila lalo na ngayong general community quarantine kung saan mabisa ang integrated bike path sa loob ng syudad.”

Noong June 1, ang Taguig ay nagpasa “Bike-Friendly Taguig Ordinance,” kung saan nagtatag ng Active Transport Office upang tutukan ang pagsulong ng pagbibisikleta ng publiko at paramihin ang bike-friendly spots sa lungsod.

Magandang dagdag ang bike lanes sa aming pagbibisikleta, saad pa ni Remigio Belen, 68. “Mainam na magkaroon nito na di kalayuan sa aming lugar, at kung marami pa ang kagaya nito tiyak mas dadami ang mahihikayat na gumamit ng bisikleta na tulong pa sa kapaligiran at kalinisan ng hangin.”

Dagdag pa ni Banaba: “Ongarap ko talaga ng mas maraming bike-friendly roads. Ito ay sa kapakanan ng maraming nagbibisikleta na manatiling ligtas kami sa maraming lugar.”

Sinabi naman ni Geminiano Joya, isang senior citizen at retired policeman: “Kung maraming maayos na bike lanes sa Taguig, marami rin ang makikinabang na tao. Ligtas kami pati na rin ang iba na nagbibisikleta papasok sa trabaho.”

Ang “Bike-Friendly Taguig Ordinance” ay may layunin din na hikayatin ang mga City Hall employees, law enforcers at public health workers na mag-avail ng bike-lending program.

Ang Taguig ay nakikipagugnayan na sa business sector upang maparami pa ang bike-friendly places at facilities, kasama na ang protected lanes, showers at restrooms para sa mga cyclist at maging ang mga bike rack. Plano rin na hikayatin ang mga negosyante na magbigay ng insentibo sa mga manggagawa na gagamit ng bisikleta.

Maglalabas din ang Taguig City ng buwanang “Bike-Friendly Map” sa I Love Taguig Facebook page upang upaalam ang mga bagong bike lanes at cyclist-friendly facilities. Ang bike lane sa Laguna Lake Highway ay isa nang permanenteng spot sa mapa.