Tuluyan ng namaalam si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa kaniyang bayan sa Imus, Cavite.

Sa pamamagitan ng isinagawang misa, sinabi ni Tagle na siya ay magiging isa ng overseas Filipino worker (OFW).

Nanawagan din ito ng pagdarasal para sa kaniya at kay Pope Francis.

Kasabay din nito inanunsiyo ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa misa na ginanap sa Our Lady of Pilar church na mayroong bagong archbishop na itatalaga si Pope Francis na mamumuno sa Manila archdiocese.

Magugunitang itinalaga ni Pope Francis si Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na magsisimula ang trabaho sa buwan ng Pebrero.

-- Advertisement --