GENERAL SANTOS CITY – Nasa kamay na ng mga otoridad ang isang suspek sa karumaldumal na pagpatay sa dalawang bata na lalaki sa Dingle, Iloilo.

Kinilala ang suspek na si Lourdyn Ralph Jasa, 18 taong gulang na nahaharap ng double murder makaraang pinatay ang magkaptid na sina Skeet Ryan Latosa, 11 yrs.old at Rich Wesley Latosa, 10 yrs. old na residente sa San Matias, Dingle, Iloilo City noong 2016.

Kasabay ng paghuli ay binasahan ng pulisya ang suspek sa kanyang warrant of arrest na iniisyu ni RTC 68 Judge Vicente Go sa Dumangas, Iloilo.

Nahuli ang suspek sa Esperanza, Sultan Kudarat matapos nagtago ng apat na taon sa nasabing lugar.

Matatandaang kinasuhan ng pamilya Latosa ang suspek matapos narekober ang duguang damit nito sa kanyang kuwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng mga biktima.

Pinatay umano ng suspek ang magkapatid dahil sa galit nito matapos na ginamit ang kanyang cellphone.

Nakakulong sa ngayon ang suspek sa Camp Lira habang inihahanda ng pulisya ang pagpapabalik drito sa Iloilo upang harapin ang kaso.