-- Advertisements --
Itinaas ng Phivolcs ngayong araw ang alertong pinaiiral sa Taal Volcano.
Bunsod umano ito ng dumaraming abnormalidad ng bulkan, mula pa nitong mga nakaraang linggo.
Sa nakalipas na magdamag, nakapag-record ang ahensya ng 28 volcanic tremor episodes at apat na low-frequency volcanic earthquakes.
Ang nasabing mga pagyanig ay may lalim lamang na 1.5 kilometro, kaya ramdam sa Volcano Island.
Maging ang seismic energy ay higit na tumaas kumpara sa mga naitala nitong mga nakalipas na buwan.
Kaya naman, mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa bulkan, lalo na sa lugar na nasa permanent danger zone.
Gayunman, hindi pa inirerekominda ang paglikas sa mga bayan ng Batangas na nasa paligid ng Taal.
















