-- Advertisements --

Nakapagrehistro ang Phivolcs ng 302 pagyanig mula sa Taal volcano sa nakalipas na 24 oras.

Sa naturang bilang, 184 episodes ang volcanic tremor na tumagal ng hanggang 12 minuto.

Mayroon naman ditong 118 low frequency volcanic earthquakes, na hindi na naramdaman ng mga tao.

Maliban dito, may emission din ng steam-laden plumes mula sa vents na tumaas ng hanggang 30 metro.

Nakapag-record din ng sulfur dioxide emission na may average na 925 tonnes/day.

Inoobserbahan pa ng mga eksperto ang pamamaga ng lupa sa paligid ng bulkan at pag-init ng tubig sa crater, dahil palatandaan din ito ng abnormalidad ng Taal.

Ang nasabing bulkan ay nananatili sa alert level two.