-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panibagong volcanic activity ang bulkang Taal ngayong araw.

Ito ay nairehistro ng Phivolcs, makalipas ang mahigit kalahating buwan ng pananahimik.

Ayon sa mga eksperto, indikasyon lamang ito na hindi pa tuluyang bumabalik sa normal ang naturang bulkan.

Kanina lamang, muling nagkaroon ng degassing, kung saan naglabas ito ng usok at abo.

Naka-detect naman ng sulfur dioxide flux na 3,849 tonnes/day sa main crater.

Habang may 107 volcanic earthquakes din na nai-record sa loob ng nakalipas na 24 oras.

Sa kasalukuyan, nananatili ang bulkan sa alert level two (2) na palatandaang maaari pa rin itong magpatuloy sa abnormalidad, hanggang sa mga darating na araw.