-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ang tinaguriang”Jet Stream Superman” matapos na siya ang unang tao na nakagawa ng skydiving gamit ang jet stream.

Ayon kay Marc Hauser, isang Swiss, na ginawa lamang niya ang nasabing pagtalon bilang ‘shock therapy’.

Nais lamang niya kasing harapin ang kaniyang takot sa taas.

Ang jet stream ay opisyal na kinilala ng Guinness World Record noong nakaraang buwan.

Bukod sa pagharap sa takot nito sa mataas na lugar ay nais din nitong ipakita ang clean energy sa nasabing jet stream.

Bago pa man ang jet stream fall sa Australia ay hawak na nito ang record sa may pinakamabilis na horizontal speed na walang karagdagang gear sa bilis na 188.9 mph noong 2012.