Pinangalanan na rin ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos ang mga susunod na mamumuno sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Para sa BIR, itatalaga umano ni Marcos si Lilia Guillermo bilang kapalit ni outgoing Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay.
Si Guillermo ay dating undersecretary ng Information and Communications Technology Group at chief information officer ng Department of Budget and Management (DBM).
Habang sa NICA naman ay mamumuno si retired PNP Deputy Director General Ricardo de Leon, bilang kapalit ng outgoing head nito na si Alex Paul Monteagudo.
Inaasahang makokompleto ang gabinete ng susunod na administrasyon bago sumapit ang Hunyo 30, 2022, na simula ng panunungkulan ni Marcos.