Inamin ng suspek sa madugong 4th of July parade sa Chicago ang kaniyang ginawang pamamaril.
Sa pagharap nito sa korte sa pamamagitan ng online, sinabi ng 21-anyos na si Robert Crimo na kanilang naiplano ang nasaibng pag-atake sa Highland Park, Illinois.
Nahaharap ito sa kasong seven first-degree muder at hindi pinayagan maghain ng piyansa.
Magugunitang pinagbabaril ng suspek ang ilang mga katao habang isinasagawa ang Independence Day pa rin na nagresulta sa pagkasawi ng pitong katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Nagsuot pa ng pandamit babae ang suspek para hindi siya agad makilala ng mga kapulisan.
Nakakuha ng mga otoridad ng mahigit 60 basyo mula sa ginamit ng suspek na assault rifle.
Sinabi naman ni Ben Dillon ang county prosecutor na inamin ng suspek ang nasabing atake matapos na ito ay maaresto.
Itinuturing din ng korte na mapanganib at isang banta ang suspek kaya nagdesisyon ang mga ito na hindi payagang makapagpiyansa.