CAGAYAN DE ORO CITY- Ginawa na ulam pang-almusal ng isang lalaki na umano’y mentally-ill ang laman ng ulo partikular ang utak ng babae na nakitang wala ng ulo sa loob ng sementeryo sa Purok 2,Barangay Punta Santiago,Talisayan,Misamis Oriental.

Ito ang umano ang naisalaysay ng suspek sa pulisya nang maaresto sa kanyang bahay sa Barangay Kasiguli na ilang kilometro ang layo mula sa crime scene.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Talisayan Police Station commander Capt Maribeth Ramuga na matapos nila marekober ang pugot na ulo na katawan ng hindi kilalang babae ay agad sila nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa pangyayari.

Inihayag ni Ramuga na nakaramdam umano ng gutom ang suspek na si Lloyd Bagtong,nasa legal na edad kaya kanyang kinatay ang babae na nakita nito malapit sa sementeryo.

Nagalit pa umano ang suspek dahil panay ang pagsasalita ng wikang ‘english’ ng biktima kaya tinuluyan niya ito at pinugutan ang ulo.

Hindi pa nakontento ang suspek sa kanyang ginawa kaya hiniwa rin nito ang dibdib ng biktima bago itinapon sa gilid ng daan kaninang madaling araw.

Natunton ng pulisya ang pinagtaguan ng suspek kung saan nadatnan nila na ginawa na ulam nito ang mismong laman sa ulo ng biktima para sa kanyang almusal,

Kaugnay nito,ipapasuri ng pulisya ang mental condition ng biktima upang alamin kung totoo na mayroon itong depekto sa kanyang pag-iisip.

Kakasuhan ng murder ang suspek dahil sa nakakantindig balahibo na krimen na kinasangutan nito.