-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinalaysay ng isa sa mga survivor ng tumaob na bangka sa Iloilo Strait ang hirap na kanilang naranasan bago nailigtas.

Ayon kay Roxie Garcia, isa sa mga survivor ng MB Jenny Vince, matapos hinampas ng malakas na hangin at tumaob ang kanilang bangka ay umabot pa ng isang oras bago ma-rescue.

Ani Roxie, na-trap sila sa loob ng bangka at hindi man lang tinulungan ng mga malalaking barko o pump boat.

Kung hindi pa aniya nagpaputok ng baril ang kanilang kasamang pulis na na-trap din sa loob ng tumaob na bangka, hindi pa sila lalapitan ng mga rescuers.

Sa ngayon, naka-confine pa rin sa ospital si Garcia matapos makainom ng kemikal mula sa lumubog na bangka.