-- Advertisements --

Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz.

Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat.

Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan.

Kuwento ng kaniyang tiyuhin na si Beto Diaz, na tumilapon din ito matapos ang pagtama ng nasabing kidlat.

Nagsasanay kasi ang 22-anyos na si Diaz para sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games na gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 7 sa La Bocana at El Sunzal.

-- Advertisement --

Ang sinumang manalo sa torneo ay pasok na sa Tokyo Olympics.

Naging pambato na si Diaz ng kaniyang bansa sa ISA World Surfing Games at ISA World Junior Surfing Championship.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang mga surfing champion sa iba’t-ibang bansa ng malaman ang nangyari kay Diaz.