Kailangan umanong paigtingin pa ng susunod na administrasyon ang sektor ng agrikultura sa ating bansa.
Ayon kay incoming National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan, ang hindi pagdepende sa pag-import sa ibang bansa para maabot ang food security sa gitna ng banta ng krisis sa pagkain ay nangangahulugan din ng pag-alalay sa ating mga magsasaka.
Paliwanag niya na hindi kakayaning umasa lamang sa pag-aangkat ang anumang kakulangan natin sa produksyon.
Kailangan ding ikonsidera angf klima, mga peste at kondisyon ng lupa sa ating mga sakahan.
Binigyang diin ni Balisacan na dapat palakasin pa ang research and development sa naturang sektor para magkaroon ng “farm modern varieties” at new species na aangkop sa mga kanayunan.
Bukod dito, nais din niya na mapalakas ang manufacturing sector sa rural areas para sa development projects.