-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) William Dar na sapat pa ang suplay ng karne ng baboy sa bansa.
Ito ay dahil nalalapit na ang “ber” months na mataas ang demand ng nasabing karne.
Dagdag pa ng kalihim na nangako ang mga hog raisers at suppliers sa bansa.
Sa panig naman ni Meat Importers and Traders Association President Jess Cham, na normal lamang na tumaas ang presyo ng mga karne ng baboy sa bansa kapag nalalapit na ang kapaskuhan.
Wala ring epekto ang banta ng African Swine Fever dahil naranasan na noong mga nakaraang taon ng kumalat ang banta ng Foot and Mouth Disease sa mga baboy.