Pumanaw na ang Hollywood actor na si Terrence Stamp sa edad na 87.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sa dahilan ng kaniyang kamatayan.
Nakilala ang actor sa pagganap bilang kontrabida sa pelikulang “Superman” at “Superman II”.
Isinilang si Terence Henry Stamp sa East End sa London noong 1938 kung saan tumigil siya sa pag-aaral at naging messenger boy sa isang advertising company.
Agad itong na-promote bago nagwagi ng scholarship na mag-aaral sa isang drama school.
Itinago niya sa pamilya nito ang pag-arte sa pelikula dahil baka magalit ang magulang.
Bukod sa pelikulang Superman noong 1978 kasama si Christopher Reeves ay nakasama rin ito sa pelikulang”Valkyrie” ni Tom Cruise noong 2008 at “The Adjustment Bureau” kasama si Matt Damon noong 2011.
Taong 2002 ng ikinasal si Stamp sa unang pagkakataon sa edad na 64 kay Elizabeth O’Rourke na isang pharmacist kung saan 35-taon ang agwat nila subalit nag-hiwalay din sila sa taong 2008.