Patuloy ang paglakas ng Super Typhoon Nando habang ito’y kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 450 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna.
May pagbugso itong hanggang 230 km/h.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Signal No. 3:
Katimugang bahagi ng Batanes: Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang
Babuyan Islands
Hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan: Santa Ana
Signal No. 2:
Natitirang bahagi ng Batanes at mainland Cagayan
Hilaga at silangang bahagi ng Isabela: San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Quirino, Mallig, Roxas, Gamu
Apayao, Abra, Kalinga
Silangang bahagi ng Mountain Province: Paracelis
Ilocos Norte
Hilagang bahagi ng Ilocos Sur: Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Vigan City, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan, Santa Maria
Signal No. 1:
Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya
Natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet
Natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales: Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Iba, Palauig, Cabangan, Botolan
Nueva Ecija, Tarlac, Aurora
Hilagang bahagi ng Pampanga: Mabalacat City, Magalang, Arayat, Candaba, Angeles City, Porac, Mexico, Santa Ana, San Luis, San Fernando City, Bacolor
Hilagang bahagi ng Bulacan: Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael
Hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands: General Nakar